22 October 2010

Pero wala.

Ilang araw na lang, kaarawan mo na. Marami akong binalak na gawin sa araw na yun. Nakaplano na ang lahat - ang pagkukunwaring 'di ako makakapunta sa pinaplano mong salo-salo, para isurpresa ka. Ang bumuo ng gift box, laman ang mga mumunting regalo ko para sa'yo, mga regalong alam kong magugustuhan mo. Mag-aayos ako sa araw na yun, magsusuot ng magandang damit (kaya ko naisipang bumili ng dress), maglagay ng palamuti sa mukha, ayusin ang buhok.


Nais kong makita ang magiging reaksyon mo nun - ang kislap sa mata, ang ngiti sa mukha. Nais kong marinig na ako ang dahilan kung bakit masaya ang kaarawan mo. Nais kong maramdaman na ginagawa ko na ang kung ano mang gusto mong ginagawa ng minamahal. Nais kong maramdaman ang higpit ng yakap at hawak ng kamay mo, habang kasama natin ang iba mong kaibigan sa araw na iyon.

Nais kong maramdaman na malipas ang gulong nangyari satin, na mahal na mahal mo ako.
Pero hindi. Hindi na mangyayari.

Wala na.

Wala.

No comments:

Post a Comment